Thursday, December 18, 2008

UP-Manila Chorale


Isang gabi ng awitan ang inihandog ng UP-Manila Chorale noong ika-13 ng Desyembre 2008 sa Phil-Am Life Theater, U.N. Avenue.

Ito ay isang gabi na punong puno ng magagandang musika. Mga musika ni G.F. Handel ang karamihan sa kanilang kinanta. naipakita din dito ang Pasko ng Pilipino.


Sadyang napaka ganda ng mga himig noong gabing iyon, para bang may mga anghel na umaawit para samin. Mapapapikit ka talaga sa ganda ng musika, talagang nanamnamin mo ang kada nota na nagmumula sa entablado. Malinis din ang pagkakatugtog ng piano, mahusay ang pagkakaawit ng mga piyesa.


Para sa akin ang paborito ko sa mga kinanta ng Choral ay iyong Somebody's Praying. Napakahusay nung lalake na nanguna sa kantang ito. Nakakapukaw ng damdamin ang awit na ito maging ang kanta nila na Bridge Over Troubled Waters. Panigurado kung napanood ng aking Lola at Mama ang concert na ito naiyak sila.

Mahirap ilarawan kung gaano kaganda ang gabing ito. Ang pinaka mahusay na sigurong paglalarawan dito ay, pag kumakanta na ang Choral, wala kang ingay na maririnig, ngunit pagkatapos ay makakarinig ka ng masigabong palakpakan at ng mga tao na sumisigaw ng "More! more!"

Hindi na ako makapaghintay sa susunod nilang concert. Ang balita ko ay mayroon sa Pebrero sa araw ng mga puso. Kung gayon man ay aayain ko ang mga magulang ko na manood nito dahil maganda nga talaga at sulit ang bayad. Sa aking palagay kahit mga tao na hindi masyadong mahilig sa musika ay maaliw kung mapapanood nila at mapapakinggan ang UP-Manila Choral

1 comment:

Unknown said...

Hi! We (The UP Manila Chorale) have a concert this December 5 at the Philamlife auditorium. Hope you'd watch again! Thank you very much for your post. :)