Sunday, December 7, 2008

Dec. 4, 2008

Talata5-6 (Precis)

Ang gobyerno ay isang uri ng network ng komunikasyon. Itinuturing ng gobyerno na may responsibilidad ang bawat mamayang kanyang nasasakupan sa pagunlad ng lipunan. Ang advertising naman, bukod sa gobyerno, ay maituturing din na instrumento sa pagkontrol ng lipunan. Sinasabi ng advertaysing satin kung paano tayo dapat mamuhay sa pamamagitan ng pagsalin ng mga aspirasyon ng mga tao sa mga material na bagay na maaring mabili.( Isinalin mula sa: Ang Telebisyon at Ang Henerasyon Ngayon ni I.S. Hayakawa)

Talata 11 (Paraphrase)

Ayon kay Hayakawa, marahil ay mayroong rason sa pagkakaroon ng laban-sa-kulturang hipi noong 1960. Ang henerasyon ng mga hipi sa Amerika ay ang unang henerasyon na nagkaroon ng pagkakataong lumaki sa kasaganaan at naging palaki ng telebisyon. Hanggang ngayon ay makikita pa din ang kulturang ito sa henerasyon natin ngayon na hindi makapaghintay at gusto ng agarang gratipikasyon.

No comments: